16

Apr 18, 2021 @ 20:26
By

2 NPA todas sa engkwentro sa Negros

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army matapos itong makipagbakbakan sa puwersa ng Philippine Army nitong Sabado.

Ayon sa report ng 15th Infantry Battalion, ang mga rebelde ay kinilalang sina alyas ‘Michael/Nonoy’ at alyas ‘Ken-ken’, na pinaniniwalaang nagmula sa Platoon 3 ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, Siquijor.

Saad ni 15th Infantry Battalion commanding officer Lt. Col. Erwin Cariño, ang impormasyon mula sa mga lokal ay nakatulong para malaman ang presensya ng NPA sa naturang lugar.

“The encounter is a clear result of the collaborative efforts between the government and the community,” ayon kay Cariño.

Nakiramay din ito sa mga pamilya ng nasawing rebelde, at nangakong tutulong sa pagpapalibing ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?