188

Nov 29, 2017 @ 8:32
By

2 NPA todas sa bakbakan sa Surigao del Sur

Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army nang makaengkwentro ng militar Surigao del Sur Martes ng tanghali.

Ayon kay Captain Rodulfo Cordero ang tagapagsalita ng 401st Infantry Brigade ng Philippine Army ala-1:30 ng tanghali ng Martes ng makaengkwentro ang tropa ng 75th Infantry Batallion at hindi mabilang na miyembro ng NPA sa Brgy. Buhisan San Agustin Surigao De Sur.

Nagtagal ng halos isang oras ang sagupaan bago nagsitakas ang mga NPA.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan ang bangkay ng dalawang nasawing miyembro ng NPA.

Nakuha rin ang kanilang AK47 rifle, at M653 rifle, compass, blasting caps ar detonating cords na ginamit sa pag- detonate landmine sa encounter site.

Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga NPA sa nasabing lugar. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?