50

2 NPA patay sa sagupaan sa Leyte

Sharing is caring!

Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army matapos na muling magkasagupa ang mga sundalo at miyembro ng NPA sa Barangay Hilapnitan Baybay City Leyte kaninang umaga.

Ayon kay Major Gen Raul Farnacio, alas-10:45 ng umaga kanina nang makasagupa ng militar partikular ang tropa ng 78th Infantry Batallion ng Philippine Army ang nasa 20 miyembro ng Communist Terrorist.

Nagtagal ng halos isang oras ang sagupaan bago nagsitakas ang mga nakalabang NPA.

Pagkatapos ng sagupaan narekober ng militar ang dalawang bangkay ng NPA.

Nakuha rin ng mga sundalo sa lugar ang isang M16 rifle ay isang M653 rifle na pag-aari ng mga kalabang NPA.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang pagtugis ng militar laban sa mga nakasagupang NPA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?