30

By

2 NPA patay sa engkuwentro sa Sarangani

Sharing is caring!

Dalawang pinaghihinaalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi matapos magkipagbakbakan sa militar sa lalawigan ng Sarangani Biyernes ng umaga.

Ayon kay Col. Roberto Ancan, commander of the 102nd Brigade, nangyari ang engkuwentro ala-sais na umaga Sitio Balataan, Brgy. Pag-asa kung saan 15 mga rebelde ang nakalaban ng miyembro ng 73rd Infantry Battalion ng Philippine Army.

Matapos ang engkuwentro, nabawi ng militar ang limang armas sa pinangyarihan ng bakbakan.

Wala namang napatay o nasugatan sa panig ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?