npa3
By

2 NPA patay, 3 sundalo sugatan sa bakbakan sa Iloilo

Sharing is caring!

Patay ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang tatlo naman nag sugatan sa hanay ng militar matapos ang engkuwentro sa Iloilo nitong nakalipas na Sabado.

Sa ulat ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army nagpapatrolya ang kanilang tropa mula sa 61st Infantry Batallion sa lugar matapos makatanggap ng ulat na nangha-harass at nagre-recruit ang mga NPA ng mga kabataan nang makasagupa nila ang mga rebelde.

Nagtagal ng sampung minuto ang palitan ng putok na dahilan ng pagkakasawi ng mga rebelde na nakilalang si Elvin Tanatoy at Domingo Servano, parehong tubong Tubungan, Iloilo.

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M653, isang AK 47, personal na kagamitan at mga subersibong dokumento.

Nadamay din sa engkwentro ang isang 12 taong gulang na batang babae makaraang gawing human shield at matamaan ng bala.

Sa ngayon nagpapatuloy ang kanilang operasyon at pagtugis laban sa mga rebelde upang mapanagot ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?