79

Dec 3, 2021 @ 14:21
By

2 NPA nahuli matapos puksain ng militar sa Davao del Norte

Nadakip ng mga militar ang dalawang miyembro ng New People’s Army sa Talaingod, Davao del Norte.

Batay sa ulat ng Eastern Mindanao Command, nagbakbakan ang panig ng militar at mga rebelde ng halos dalawang oras sa Barangay Palma Gil.

Sugatan naman ang mga nahuli at agad na nilapatan ng first aid ng mga sundalo ang dalawa.

Narekober din sa mga ito ang tatlong M16 at M4 rifle, medical kit, at ibang personal na gamit. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?