7

Nov 7, 2020 @ 17:06
By

2 NPA kinasuhan ng batang ni-recruit

Inasunto ng batang dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga komunistang nag-recruit sa kanya sa prosecutor’s office ng Laoang, Northern Samar kamakalawa.

Nagpahayag naman ng pagkaalarma ang Northern Samar Police (NSP) sa recruitment ng mga bata sa NPA kaya nanawagan sila sa mga magulang na bantayan ang mga anak.

Sinabi ni NSP chief Col. Arnel Apud na tinulungan nila ang isang menor de edad na kinilalang si “Ka Anda” para maghain ng kaso laban sa dalawang recruiter ng NPA.

Kasama si “Ka Anda” sa tatlong rebeldeng nadakip sa ginawang strike operation ng 81st Division Reconnaissance Company, 8th Infantry Division at Philippine Army sa Barangay Epaw, Las Navas, Northern Samar noong June 1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?