95

By

2 NPA commander patay sa bakbakan sa Davao del Sur

Humandusay ang dalawang lider ng New People’s Army (NPA) sa 45-minutong pakikipagsagupaan sa mga sundalo sa Sitio Lanan, Barangay Goma, Digos City, Davao del Sur.

Nangyari umano ang bakbakan ng 39th Infantry Battalion at ‘di pa batid na bilang ng NPA Biyernes ng umaga.

Matapos ang giyera, agad nagpulasan ang mga rebelde at iniwan ang dalawang namatay na lider at isang M4 rifle.

Isa umano sa nasawing commander ng NPA ay babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?