27
soco12
Jun 2, 2018 @ 12:47

2 notoryus na kriminal, dedbol sa Davao City shootout


Dalawang hinihinalang magnanakaw na nagbebenta rin ng droga ang napatay sa engkuwentro sa Barangay 2-A nitong Sabado.

Kinilala ang mga suspek na sina alya Dodoy Taba at Jessie Moran, 18.

Ayon sa report, nagkasa ng drug buy-bust ang mga miyembro ng

San Pedro Police Station bandang ala-1:40 ng madaling-araw sa La Suerte Videoke Bar sa Piton St., pero nahalata ng mga salarin na pulis ang kanilang ka-deal.

Naglabas umano si Taba ng kalibre .38 at nagpaputok sa mga pulis kaya gumanti ng putok ang mga operatiba na ikinasawi nito.

Tumakas naman si Moran na hinabol ng mga pulis. Napatay siya habang nakikipagpalitan ng putok sa mga awtoridad gamit ang isang sumpak.

Lumabas sa ginawang imbestigasyon na sangkot din ang dalawang suspek sa serye ng robbery incidents at mga miyembro rin sila ng “Akyat-Bahay Gang”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?