22

By

2 notoryus lady pusher ng Marikina, nalambat sa buy-bust

Sharing is caring!

Nalambat ng Marikina City Police ang dalawang madulas na lady pusher matapos ang ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa ng hapon sa Barangay Tumana.

Batay sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang ilang tauhan ng Marikina Police Station Drug Enforcement Unit bandang alas-singko ng hapon sa Block 7071, Ampalaya St., na sakop ng Barangay Tumana, matapos makatanggap ng tip na positibo ang pagbebenta ng droga ng dalawang notoryus na tulak.

Agad namang naaresto sina Jacquelene de Guzman y Cauguiran , 38-anyos, walang trabaho, at Ruby Rose Tolentino y Sison, 27-anyos, kapwa residente ng Block 7071, Ampalaya St.

Nagpanggap umanong poseur buyer ang isang kagawad ng pulis at bumili ng iligal na droga na tila nilalako ng mga suspek hanggang sa aktong iaabot na ay agad na itong nalambat upang hindi na makatakas pa dahil kilalang mabilis ang dalawa pagdating sa takbuhan.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang limang plastic transparent sachet na naglalaman ng shabu at P500 bill na buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?