122

Nov 8, 2017 @ 11:53

2 Nigerian arestado sa 1 kilo ng shabu sa Cavite

Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Nigerian nationals sa isang buy bust operation in Kawit, Cavite noong Miyerkules ng umaga.

Naaresto ang mga suspek sa isang operasyon ng mga pinagsamang puwersa ng PDEA Region 4-A at PDEA Camarines Sur Provincial Office dakong alas-12:15 sa kahabaan ng Centennial Road sa Kawit, Cavite.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Solomon Lewi Anochiwa, 34, may-asawa at residente ng Lancaster New City Subdivision sa Kawit, Cavite at Desmond Chima Ozoma, 35, married at naninirahan naman sa Raya Garden in Bicutan, Parañaque.

Nahuli ang suspek dahil sa tangkang pagbenta ng isang kilo ng shabu sa isang undercover PDEA agent.

Ang pagkadakip sa dalawang Nigerian ay resulta ng impormasyong ibinigay ni Olivia Encinas, isa sa apat nga suspek na nadakip ng PDEA sa Naga City noong Nobyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?