60

By

2 negosyante sa Bicol, kinasuhan ng tax evasion

Sharing is caring!

Dalawang negosyante sa Bicol ang inireklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng tax evasion sa Department of Justice.

Partikular na sinampahan ng paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code si Andres Seva, may-ari ng A. Seva Construction sa Naga City, gayundin si Helen Delos Santos, may ari ng Saint Therese Commercial Construction and Supply na nakabase sa Catanduanes.

Si Seva ay hinahabol ng BIR dahil sa kabiguan na magbayad ng P3.74 million na halaga ng income tax at value added tax mula sa kanyang kinita noong 2007.

Nag-ugat naman ang reklamo laban kay Delos Santos dahil sa kanyang P8.67 million na tax liability dahil sa hindi niya nabayarang income tax, value added tax at expanded withholding tax mula sa kanyang kinita noong 2009 at 2010.

Inihain ng BIR ang reklamo makaraang balewalain ng mga respondent ang ipinadala ng ahensya na preliminary collection letters, final notices, warrants of distraint and/or levy at demands before suit na magbibigay sana sa mga respondent ng pagkakataon na ayusin ang kanilang obligasyon nang walang asunto. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?