22

Sep 4, 2020 @ 11:08
By

2 NBA coach bastusan sa Twitter

Payabangan ang naging tema ng dalawang dating coach sa NBA.

Nagsimula ang patutsadahan nina Mark Jackson at George Karl sa playoff game ng LA Lakers at Trailblazers, kung saan pinansin ng una ang nag-improve na depensa ni Carmelo Anthony.

Saad ni Jackson, na commentator para sa laro, maganda na aniya ang depensa ni Melo, na sinegundahan naman ng analyst na si Jeff Van Gundy dahil dati ay masama talaga umano ang istilo ng pagbabantay ng NBA superstar.

Giit ni Jackson, dapat ay sisihin din ang coach na humawak kay Carmelo dahil pinabayaan ang hinog na depensa nito.

Dahil dito’y nag-usok sa galit si Karl, na naging coach ni Melo ng pitong season sa Denver Nuggets, dahil tila siya ang pinapatamaan ni Jackson.

“I heard @MarkJackson13 is taking shots at my defensive coaching during tonight’s broadcast,” patama ni Karl kay Jackson. “Remind me, how many all-star teams did you coach, Mark? How many DPOYs [Defensive Players of the Year]? How many Finals appearances? How many of my teams became dynasties right after I left?”

Ang huling tanong ni Karl ang pambaon kay Jackson, na tinapon ng Golden State Warriors at saktong nanalo ng tatlong kampeonato matapos itong sibakin.

Hindi naman nagpadaig si Jackson kung saan binanatan din si Karl nang ibalik ang nakaraan noong tinalo ng GSW ang Denver noong 2013 NBA playoffs bilang underdogs.

“Wasn’t even thinking of u!” banat ni Jackson kay Karl. “Btw I never lost to u in the playoffs as a Player or as a Coach! God Bless u and urs!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,