52

Oct 9, 2017 @ 15:51

2 ‘narco-generals’ sinibak ni Duterte

Tinuluyan  ni Pangulong  Rodrigo Duterte ang dalawang police generals na naunang pinangalan na “narco-generals” dahil sa  pagkasangkot  sa  illegal drug trade sa bansa.

Ang  pagsibak  sa sebisyo kina Police  Chief  Superintendent Edgardo G. Tinio at Police Director Joel Pagdilao ay inianunsiyo  kahapon  ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Ayon kay Abella, ang  aksiyon ni Pangulong Duterte laban sa  dalawang  heneral   ay  alinsunod sa  kanyang pangako na  lilinisin ang  bansa  laban sa  krimen at  katiwalian.

Sinabi ni Abella  na malakas ang ebidensiya laban sa  dalawang opisyal  na  wala  silang  ginawa upang  pigilan ang  paglaganap  ng  illegal na  droga  sa  kani-kanilang hurisdiksiyon.

“A decision signed by the Executive Secretary last Thursday, has found Police Chief Superintendent Edgardo G. Tinio and Police Director Joel Pagdilao of the Philippine National Police administratively liable for serious neglect of duty and serious irregularity in the performance of duty, and have been duly dismissed.Evidence shows that both generals deliberately refused, without cause, to perform their duties as police officers resulting in the proliferation of the drug trade in their areas of jurisdiction. Thus, the President’s decision,’ ang  pahayag  ni Abella.

Ang dismissal  order  nina  Pagdilao at Tinio ay nilagdaan  ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong Huwebes, October 4, 2017.

Matatandaang  noong 2016  ay  inianunsiyo ni Pangulong Duterte sa  isa nitong  pampanguluhang  aktibidad  ang  pangalan ng  ilang Police Generals  na  nakikipagkutsabahan umano sa  mga  druglords  kaya  naging  talamak ang  probema ng  illegal na  droga sa  bansa.

Bukod sa dalawang Police generals, sibak din sa serbisyo si  Pol.Supt. Lito Cabamongan ng PNP Crime Lab matapos mahuli sa  isang  pot session sa Las Pinas  City  noong  March 30, 2017. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?