41
dead-body
By

2 nanlabang tulak, dedo sa buy-bust sa Laguna

Hindi na nakaligtas pa ang dalawang kilalang tulak matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang drug buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa Calamba City, Laguna.

Batay sa nakalap na report, nakilala ang mga suspek na sina Raymond Angeles at isang alyas Anjo, kapwa nasa listahan ng drugs watchlist ng barangay at pulisya.

Nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Calamba matapos na magpositibo ang nakalap na tip na nasa lugar ang dalawang tulak.

Umaktong poseur buyer ang isa sa mga pulis at nakipag-transaksiyon sa mga suspek sa pagbili ng illegal na droga bandang 10:00 kamakalawa ng gabi sa Pamana Subdivision sakop ng Barangay Bucal, Calamba City.

Nang makatunog na pulis ang naging ka-transaksyon ay nagpaputok ang suspek na siyang ganti naman ng nagrespondeng operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na baril, mga bala, 18 plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Dead on the spot ang mga suspek habang dinala naman sa PNP laboratory ang mga nahuling droga at armas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?