baguio
By

2 nalibing nang buhay sa mudslide sa Baguio

Sharing is caring!

Bigong mailigtas ang dalawa katao na natabunan ng gumuhong bahagi ng Sandico Street malapit sa construction site para sa condominium sa Baguio City, hapon nitong Miyerkules.

Ayon sa report, tumulong ang mga manggagawa mula sa kalapit na work sites para mailigtas ang isang lalaki at isang babae na natabunan ng makapal na putik dakong alas-dos ng hapon.

Pero patay na nang maiahon ang dalawang biktima ng rescuers kung saan dinala ang bangkay nila sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Engineer umano ang lalaking biktima.

Naganap ang pagguho habang kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?