71

Mar 1, 2018 @ 14:41
By

2 nalambat sa cara y cruz; shabu ginawang pampusta

Nalambat ng mga nagrespondeng Pasig police ang dalawang lalaki matapos mahuling nagsusugal at ang pustahan umano’y illegal na droga, kamakalawa ng umaga sa Barangay Pinagbuhatan.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Supt. Reynaldo Biay, District Director ng Eastern Police District, nagsagawan ng agarang operasyon ang mga tauhan ng PCP-3 makaraabg makatanggap ng tawag mula sa concern citizen na umano’y pag-iingay ng ilang kalalakihan na nagsusugal ng cara y cruz.

Naganap ang pagdakip bandang alas 7:00 kamakalawa ng umaga sa R Cruz St., corner Bolante 1, sakop ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Arestado sina John Ambagan y Castillo at Ronaldo Casila y Salac, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Barangay Pinagbuhatan habang nakatakas naman ang ilang manlalaro at miron ng mga naglalaro ng cara y cruz na kung saan ang pustahan umano ang laban at shabu ang tayaan.

Nakatunog umano ang mga suspek nang may paparating na pulisya kaya dalawang suspek lamang ang nalambat habang ang ilan ay nagkanya-kanya nang pulasan.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang tatlong pirasong twenty-five (25) centavo coin bilang pangara sa sugal at dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act at RA 9165 o comprehensive illegal drugs act at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?