35

Sep 22, 2021 @ 22:30
By

2 nagpuslit ng KFC sa lockdown dinakip

Arestado ang dalawang lalaki nang tangkaing magpasok ng mga KFC chicken sa isang lugar na naka-lockdown.

Ayon sa ulat, nasa Level 4 lockdown ang Auckland, New Zealand, kung saan sarado ang lahat ng restaurant maging ang mga take-out order ay bawal.

Dahil dito, ilang residente ang lumalabag at nag-o-order ng fast food sa labas ng Auckland, na may parusang anim na buwang pagkakakulong.

Naharang umano ng mga pulis ang kahina-hinalang sasakyan na may dalang iba’t ibang pagkain mula sa KFC.

Nang siyasatin ang sasakyan ay tumambad sa kanila ang tatlong bucket ng manok, sampung cup ng coleslaw, malaking package ng fries at $100,000 cash.

Edad 23 at 30 umano ang dalawang suspek na nagmula sa Hamilton, 75 milya ang layo sa Auckland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?