31
shootout
By

2 nagbebenta ng iligal na baril, dedo sa shootout

Bumulagta ang dalawang pinaniniwalaang notoryus na gun peddler matapos na makipagbarilan ang mga ito sa pulisya sa isinagawang operasyon sa San Fernando City, Pampanga, Martes ng gabi.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 3 Director Police Brig. Gen. Joel Napoleon Coronel, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa dalawang nasawin gun peddlers o mga nagbebenta ng mga baril na walang lisensya.

Napag-alaman na dakong alas-8:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Pampanga 1st Provincial Mobile Force Company at San Fernando City Police sa Mystique Lane Hotel, Lazatin Boulevard, Brgy. San Juan ng nasabing lungsod.

Bago ang operasyon ay nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa talamak na iligal na pagbebenta ng mga armas ng mga suspek dahlia upang isagawa ang planong pagdakip sa mga ito.

Agad na nakipag-deal ang mga awtoridad sa mga suspek at subalit habang nasa gitna ng transaksyon ay nakatunog ang mga ito kaya agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang undercover agent na suwerteng hindi naman tinamaan.

Gumanti naman ng ptuok ang awtoridad dahilan ng pagkasawi ng dalawang suspek kung saan narekober sa kanila ang dalawang kalibre .45 baril at isang caliber .22 revolver at mga bala ng mga nasabing baril.

Bukod dito ay nakuha pa sa mga napatay na suspek ang limang medium size na plastic sachet ng shabu, timbangan at mga drug paraphernalia na nakalagay sa kanilang kulay silver na Nissan Almera na may plakang NAI-2750.

Ayon naman kay Coronel hindi sila titigil hanggang hindi nauubos ang mga kriminal sa kanyang nasasakupan upang maging ligtas ang mga residente sa bawat komunidad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?