17
ABANTE TNT bohol tree dead

2 nabagsakan ng puno sa Bohol, patay!

Sharing is caring!

Patay ang dalawang lalaki nang mabagsakan ng puno habang sakay ng motorsiklo sa lalawigan ng Bohol noong Sabado.

Ayon sa GMA News Bohol correspondent na si Leo Udtohan, nakilala ang mga biktima na Jaycel Barcibal Dajalos, 24, isang guro at ang tiyuhin nitong si

Rogelio Barcibal, 47.

Nangyari ang insidente sa Barangay Poblacion II, sa bayan ng Mabini nang biglang bumagsak ang puno sa mga biktima na noon ay nakasakay sa isang motorsiklo.

Patungo sa bayan ng Candijay ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?