23

Oct 14, 2020 @ 10:28
By

2 nabagsakan ng poste sa SCTEX, tigok

SUBIC BAY FREEPORT – Dalawa patay at tatlo ang kritikal matapos mabagsakan ng 180 tonelada at may habang 18 metrong steel girder na poste bilang suporta sa ginagawang Jadjad Bridge sa kahabaan ng Subic-Clark-Tarlac Road (SCTEX) sa Subic Bay Freeport Zone na sakop ng Barangay Tipo, Hermosa Bataan.

Sa isang pahayag ni Atty. Wilma Eisma, Chairman and Administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), nangyari ang aksidente ayon aniya sa North Luzon Expressway (NLEX) Corp. dakong alas-5: 30 ng hapon noong Martes.
Sa report na ipinadala ni Bataan Provincial PNP Director Col. Joel Tampis, ang mga nasawi ay kinilalang sina Vivincio Pamisa at Marvin Tajores.

Kinilala naman ang mga nasa kritikal na kondisyon na sina Joel Pitel, John Ray Salatan, Peter Pahilan.

Ayon sa Hermosa Police ang mga biktima ay kinontrata ng Sta Clara International Corp. para sa itinatayong tulay sa Jadjad Bridge.
Kasalukuyan pang nag-iimbestiga ang mga awtoridad sa nangyaring trahedya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?