1,048

Apr 24, 2018 @ 2:27
By

2 na-trap sa bahay, natusta sa sunog sa QC

Dalawa ang kumpirmadong namatay sa sunog na sumiklab sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City gabi ng Lunes.

Kinilala ng Quezon City Fire District ang dalawa na sina Paulina Santos (63) at Rachel Anne Santos (24).

Halos hindi na makilala ang labi ng dalawang biktima na pinaniniwalaang nakulong sa loob ng bahay nito.

Hinahanap naman ang 10 taong gulang na bata na si Ryzen Redito.

Kabilang sa nasaktan sina Mark Ledesma (27) at Juanita Redito, may-ari ng bahay na pinagmulan diumano ng sunog.

Base sa inisyal na impormasyon, nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng pamilya Redito 11:43 ng gabi.

Gawa sa mga light material ang mga bahay sa lugar kaya mabilis na kumalat ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Umabot sa kabuuang 15 bahay ang natupok habang nasa 30 pamilya ang naaapektuhan ng sunog.

Idineklara ng QC Fire Department na fire-out ang sunog ganap na 12:50 ng umaga ng Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?