118
2 mosque sa New Zealand niratrat ng bala, ilang katao patay
By

2 mosque sa New Zealand niratrat ng bala, ilang katao patay

Tinatayang ilang dosena ang nasawi sa pamamaril ng ilang gunmen sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand, Biyernes.

Saad ni New Zealand Police Commissioner Mike Bush, nahuli na nila ang apat na hinihinlaang suspect sa pamamaril, tatlong lalaki at isang babae.

Nangyari ang pamamaril sa Masjid al Noor mosque at Linwood Masjid sa Deans Avenue at Linwood.

Samantala, napag-alaman din na bukod sa pamamaril, mayroon ding nakitang mga sasakyan na nilagyan ng explosive device.

“We are unsure if there are any other locations outside of that area that are under threat,” ayon kay Bush.

Kumalat din sa social media ang isang video na sinasabing kuha ng isa sa mga gunman sa Christchurch.

Sa video, makikita ang rifle na ginamit umano para sa terrorist attack, ilan pang gasoline container at isang bag na may nakasulat na ‘PROUDLY KIWI AS’.

Nakita rin sa video ang brutal na pagpapaulan ng bala ng lalaki sa ilang katao sa loob ng mosque.

https://www.news.com.au/world/pacific/gunmans-horrifying-video-inside-new-zealand-mosque/news-story/2ae12a9e84552abfabed95d798cb884f

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?