82

Jul 25, 2019 @ 20:23
By

2 MMFF sa isang taon, sisimulan na

Tiba-tiba ang moviegoers dahil dalawang beses nang idadaos ang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang ikalawang festival ay isasagawa tuwing April 11-21, simula sa susunod na taong 2020.

“‘Yung second MMFF natin sa summer, start po natin 2020. Ito ay gagawin ng Sabado de Gloria, Black Saturday, which is on April 11,” wika ni MMDA General Manager Jojo Garcia.

Tatawagin umano itong Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF), na layong mapalakas ang pelikulang Filipino.

Gaya ng MMFF, magkakaroon din ang MMSFF ng sarili nitong “Parade of Stars” na gaganapin ng April 5, 2020 habang ang Awards Night ay sa April 15, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?