8,340
2 miyembro ng Siakol nagsuntukan sa stage!
By

2 miyembro ng Siakol nagsuntukan sa stage!

Nagpang-abot ang bokalista ng bandang Siakol at ang kanilang bahista sa gitna ng kanilang performance sa stage.

Ipinoste ni FB user Alchen Villanueva ang video kung saan nagsuntukan ang dalawang miyembro ng Siakol at ayon sa post ni Villanueva, humihingi ito ng refund.

Makikita sa video na dinuro ng bokalista ng Siakol na si Noel Palomo ang kanilang bahista na si Wowie Flores at dito na binitawan ni Flores ang kanyang gitara at saka sinapak si Palomo.

Ang Siakol ay isa sa mga sikat na banda noong 1990s. Ilan sa mga hit song nito ay ‘Lakas Tama’, ‘Bakit Ba’, at ‘Peksman’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?