30

2 miyembro ng Maute group sumuko

Dalawang kasapi ng Islamic State-inspired Maute group ang sumuko sa militar sa Lanao del Sur.

Hindi inilabas ni Major Gen. Roseller Murillo, 1st Infantry Division commander ng Army, ang identities ng dalawang sumuko pero mula umano ang mga ito sa grupo ni Owayda Benito Marohomsar, alyas Abu Dar.

Sumurender umano ang dalawa sa 55th Infantry Battalion sa Pagayawan, Lanao del Sur dakong alas-nuwebe ng umaba nitong Biyernes.

Kasama nilang isinuko ang isang KG-9 sub-machine gun at isang kalibre .45 pistol.

Nagdesisyon umano ang dalawa na sumuko dahil pagod na sila sa pagtakbo at pagkupkop sa tropa ng militar. (PNA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?