83
ABANTE lanao del sure angkan militar
Jan 12, 2019 @ 11:54

2 miyembro ng Maute group sumuko sa Lanao del Sur

Sumuko na sa pamahalaan ang dalawang miyembro ng Maute group dala ang kanilang matataas na uri ng baril, kahapon nang umaga sa Lanao del Sur.

Ayon kay Lieutenant Colonel Ian Ignes, commander ng Philippine Army’s 55th Infantry Battalion, pansamantalang hindi na pinangalanan ang dalawang terorista na kilalang tauhan ni Abu Dar na mas kilala biilang Owayda Benito Marohombsar, lider ng grupo na umaaktong lider ng teroristang ISIS sa bansa matapos masawi ang kanilang pinuno sa naganap na Marawi siege.

Nabatid na sumuko ang dalawa dahil hirap na umano at takot na sa pagtatago at pakikipaglaban kaya naisipang isuko ang sarili para sa pamilya sa tulong ng 55th Infantry Battalion sa Pagayawan, Lanao del Sur, kahapon, alas-nuwebe nang umaga.

Kasamang isinuko ng dalawa ang kanilang armas na caliber .9mm sub-machine gun at caliber .45 pistol.

Kasalukuyang isinasailalim ang dalawa sa custodial debriefing. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?