171

Aug 17, 2019 @ 11:04
By

2 miyembro ng CAFGU todas sa ambush ng NPA

Patay ang dalawang kawani ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos silang ma-ambush ng mahigit 30 na miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kanilang detachment center sa Barangay Maguyepyep, Sallapuden, Ilocos Norte noong Huwebes.

Kinilala ni Philippine Army (PA) 24TH IB executive officer Maj. Pedro Dacanay, ang dalawang biktima na sina Caaldon Diwakdisan at Aldon Garli-aw, parehong nakatalaga sa CAFGU detachment sa nasabing barangay.

Ayon kay Dacanay, sniping style ang ginawang pag-ambush sa mga biktima ng mga rebelde na nagtago ito sa mas mataas na lugar.

Aniya, ang pagatake ng mga rebelde ay isang terrorism act at itinaon sa nalalapit na anibersaryo ng PA 24TH IB sa naturang bayan.

Pinalibutan ang nasabing detachment center ng CAFGU at mahigit dalawang oras na nakipagbakbakan ang mga biktima.

Si Diwakdisan ay namatay agad dahil sa tama ng bala ng baril sa tagiliran ng kanyang katawan habang si Garli-aw ay namatay habang dinadala sa ospital dahil sa mga tama sa paa.

Ayon kay Dacanay, nagsasagawa na sila ng follow-up operation laban sa mga rebelde na gumawa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?