154

May 27, 2018 @ 22:15
By

2 miyembro ng BNG, Sputnik Gang, 4 pa huli sa droga

Anim na umanoy mga tulak at adik sa shabu, kabilang ang dalawang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ at ‘Sputnik Gang’ ang nalambat sa patuloy na isinasagawang anti-drug’ at anti-criminality’ campaign operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa lungsod.

Nakilala ang mga suspek na sina Garry Florida, 29-anyos, miyembro ng Bahala na Gang at residente ng Brgy. South Triangle at Edgar Castillo, 36-anyos, miyembro ng Isputnik, at naninirahan sa No. 277 Saint Peter St., Brgy. Holy Spirit’

Ang dalawa ay inaresto habang nagsusugal ng cara y cruz dakong alas- 5:00 ng hapon nitong May 26, 2018, sa Monte de Piedad St., corner Lantana St., Brgy. Immaculate Concepcion.

Sabi ng mga pulis, nang kapkapan ang aarestuhin mga nabanggit na suspek ay nanlaban pa ang mga ito dahil sa itinatagong sachet ng shabu sa bulsa.

Samantala, nadakip naman ng mga tauhan ng Talipapa Police Station (PS-3) sa pamumuno ni PSupt Alex Alberto sa buy-bust sina Warlito Sales, 55; Aida Dionisio, 52, at Patrick Bien, 30-anyos, pawang residente ng Brgy. Balon Bato, dakong alas- 8:30 ng gabi (May 26, 2018), sa Ilalim ng Tulay, NDR, Brgy. Balon Bato.

Habang inaresto naman ng Batasan Police Station (PS-6) sa ilalim ni PSupt Joel Villanueva sa isinagawang ‘Oplan Sita’ si Jayson Valenzona, 21, ng No. 63 Phase-3 Area-B, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, bandang alas- 9:15 ng umaga (May 26, 2018), sa AMLAC Subd., Lupang Pangako, Brgy. Payatas, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet at nang kapkapan ay nakunan ito ng shabu sa mga gamit nito.

Ang mga nabanggit na suspek ay nakapiit ngayon sa QCPD detention cell habang inihahanda ang kasong paglabag Sa R.A. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang karagdagang kasong paglabag naman sa PD 1602 ang isasampa laban kina Florida at Castillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?