sulu
By

2 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa sagupaan sa Sulu

Sharing is caring!

Dalawang galamay na naman ng grupong Abu Sayyaf Group (ASG) ang nasawi matapos na magka-engkuwentro ang tropa ng militar sa Sulu.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, napatay ang dalawang miyembro ng ASG nang makasagupa ang special forces troopers sa Brgy. Lagasan, Parang kaninang ala-1:30 ng hapon.



Napag-alamang nagsasagawa ng rescue operations ang militar sa mga kidnap victim ng grupo nang magkapalitan sila ng putok na tumagal ng 40 minuto.

Kinilala ang nasawing bandido na si Abrajir Jamsuri habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pa.



Narekober naman sa pinangyarihan ng bakbakan ang apat na matataas na kalibre ng armas kabilang na ang dalawang M14, isang R4 assault rifle at isang M203 grenade launcher.

Wala namang naitalang patay sa hanay ng militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?