50

Feb 7, 2019 @ 16:28
By

2 miyembro ng Abu Sayyaf arestado sa Zamboanga

Dalawang galamay ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Zamboanga City noong Pebrero 3.

Kinilala ang mga ito na sina Harub Jaljalis, alyas Indal; at Pinky Ani Hadjinulla.

Inaresto sila sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Basilan Regional Trial Court kaugnay sa 2001 Golden Harvest kidnapping.

Nahuli si Jaljalis sa isang kantina sa Lustre cor. Evangelista Street, Barangay Sta. Catalina habang si Hadjinulla ay sa Southway Mall, na parehong nasa Zamboanga City.

Ang dalawa umano ay pinaniniwalaang mga miyembro ng ASG-Urban Terrorist Group na nakabase sa Zamboanga City.

Si Jaljalis umano ay taga-gawa ng bomba ng Radullan Sahiron faction ng ASG at isa sa nakapag-ensayo sa jihadists mula sa Indonesia at Middle East habang si Hadjinulla naman ay siyang naatasang magmanman sa Zamboanga Peninsula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?