99

Aug 5, 2018 @ 13:34
By

2 misis, nalambat sa tong-its at droga sa Pasig

Arestado ang dalawang ginang matapos ireklamo ng illegal na pagsusugal at nang kapkapan ay illegal na droga naman ang nakumpiska, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Aubrey Albia y Intong, 20-anyos at Maria Liza y Teologo, 45-anyos, kapwa residente ng Barangay Palatiw, Pasig City at kasalukuyang nakakulong sa Pasig detention cell.

Batay sa report, nakatanggap ng tawag ang Pasig Police station 5 kaugnay sa nagaganap na illegal na sugalan na kung saan ay naglalaro ng tong-it’s ang mga suspek bandang alas 2:00 kamakalawa ng hapon sa Evangelista compound, Barangay Palatiw.

Agad na nagresponde ang mga pulis at nakatunog naman ang mga suspek at miron na kung saan ay dalawang suspek ang nadampot habang nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu si Albia.

Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling act at RA 9165 o Illegal drugs act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?