191

Sep 17, 2018 @ 11:56
By

2 minero nakaligtas sa landslide sa Benguet, bilang ng nasawi umakyat sa 54

Dalawang minero ang nakatakas sa dating minahan sa Barangay Ucab, Itogon, Benguet na natabunan ng landslide sa panghagupit ng bagyong Ompong noong nakaraang linggo.

Saad ito ni Itogon Mayor Victorio Palangdan, na nakaligtas umano dahil sa paggapang sa loob ng isang tunnel sa kasagsagan ng landslide.

Samantala, akyat sa 54 ang nakuhang katawan ng mga rescuer sa pinangyarihan ng aksidente, 34 dito ay pawang mga residente ng Itogon, ayon kay regional police director Rolando Nana.

Kasalukuyan namang naghahanap pa ang mga awtoridad ng mga survivor sa nasabing lugar.

Ginawang pansamantalang evacuation center ng mga malapit sa bunkhouse ang lugar, ngunit matagal na umanong binalaan ng kapulisan ang mga residente na hindi ligtas dahil dati nang pinasara ang minahan noon pang 2009 dahil din sa isang aksidente, ayon sa interbyu ng DZMM kay Palangdan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?