20

Nov 22, 2021 @ 12:37
By

2 menor suspek sa carnapping, arestado

Magkasunod na inaresto ang 2 menor de edad na suspek sa carnapping sa Quezon City at Caloocan City.

Ang mga suspek ay nasa edad 17-anyos na lalaki, habang 16-anyos ang babae.

Inaresto ang dalawa matapos may mawalang sasakyan sa Quezon, ayon sa ulat ng Unang Balita.

Na-rekober ang ilang mga susi at sasakyan sa dalawa.

Nakuha rin sa mga suspek ang baril. Ayon sa mga ito, hindi sa kanila ang baril.

Sinabi ng mga suspek na trip lang daw nila ang pagkuha ng mga sasakyan.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang iba pang kasamahan ng dalawa.

Dinala na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development ang mga suspek. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?