52

Nov 24, 2021 @ 10:09
By

2 menor kinatay kelot dahil sa usok ng vape

Patay matapos pagsasaksakin ang isang 27-anyos na lalaki sa Barangay Poblacion, Lupon, Davao Oriental nitong Sabado kung saan dalawang menor de edad ang salarin.

Kinilala ang biktima na si Vincent Sumaoy.

Samantala, ang mga suspek naman ay kinilalang sina alyas Mik-mik, 16-anyos, at alyas Ago, na isa ring menor de edad.

Ayon sa ulat ng pulisya, mag-iinuman sana ang mga suspek kasama ang biktima ngunit nabadtrip ang dalawang suspek sa usok ng vape ni Sumaoy.

Dahil dito, pinagbubugbog muna ang biktima bago pinagsasaksak.

Dinala pa sa pagamutan si Sumaoy ngunit binawin din ng buhay kinalaunan.

Tumakas ang dalawang menor matapos ang pangyayari ngunit binagabag ng konsensya at sumuko rin sa mga pulis. Nahaharap sila sa kasong murder. (mjd)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?