26

Feb 6, 2020 @ 14:37
By

2 menor de edad timbog sa damo

Arestado ang dalawang menor-de-edad matapos ang isinagawang illegal drug buy-bust sa Barangay Bauan, Solana, Cagayan noong Miyerkules.

Kinilala ng Solana Police Station (SPS) ang dalawang suspek sa pangalan lamang na Mark, 15, out of school youth at JP, 14, estudyante, parehong residente ng nasabing barangay.

Ayon kay SPS officer P/Capt. Junjun Balisi, nagsagawa muna sila ng surveillance bago maganap ang pag-aresto sa mga suspek.

Sa ginawang buy-bust operation ng SPS anti-narcotics unit ng SPS, isang undercover agent na pulis ang umaktong drug buyer ang humuli kina Mark at JP.

Nakuha mula sa mga suspek ay dalawang sachet ng dried marijuana leaves kapalit ng P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng SPS ang mga suspek at nakatakdang ilipat sa Solana Department of Social Welfare and Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?