394

Sep 27, 2021 @ 15:49
By

2 menor de edad nilamon ng falls

Patay ang dalawang menor de edad habang nawawala pa ang isang 32-anyos na babae matapos silang anurin ng rumaragasang tubig habang naliligo sa falls sa Catmon, Cebu nitong Linggo.

Ayon sa ulat, dakong alas-1:00 p.m. ng hapon ng rumagasa ang tubig sa falls dahilan para anurin ang mga biktima.

Sa video na kumakalat ngayon sa social media, makikitang tinangka ng ilang kalalakihan na abutan ng lubid ang mga biktima.

Unang narekober ang bangkay ni Kent Jude Monterola, 17-anyos, Linggo ng gabi.

Samantala, ang katawan ng pitong-taong gulang na si Princess Alastra ay nakita ngayong Lunes ng umaga sa kabilang barangay.

Hinahanap pa rin ang katawan ng ina ni Princess na si Jacel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,