160

Dec 1, 2017 @ 15:55

2 medalya nasungkit ni Hidilyn Diaz sa World Championships

Nakasungkit ng dalawang medalya si Hidilyn Diaz sa 2017 International Weightlifting Federation World Championships sa Anaheim, California.

Naiuwi niya ang bronze medal matapos magtala ng 199 kilograms sa kabuuang bilang ng kanyang binuhat habang nasikwat nito ang pilak na medalya sa clean and jerk.

Bigo mang makuha ang kanyang opening 85 kilogram lift pero bumawi naman ito at tinamaan ang 86.

Ginalingan ni Diaz upang makuha ang medalya sa clean and jerk kung saan naangat niya ang 113 kg.

Samantala, isa pang batang Pinay na si Kristel Macrohon, bronze medalist sa nakaraang Asian Indoor and Martial Arts Games, ay lalaban naman sa 69 kilogram division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?