139

Dec 6, 2021 @ 12:11
By

2 mayor sa Basilan niratrat, 1 patay

Pinagbabaril ang dalawang alkalde sa Basilan ngayong Lunes ng umaga, kung saan ang isa ay patay habang ang isa pa ay sugatan.

Ang mga biktima ay sina Akbar, Basilan Mayor Alih Awal Sali I, at Al-Barka Mayor Darussalam Saguindilan Lajid.

Ayon sa inisyal na ulat, apat na ‘di pa nakikilalang suspek ang sakay ng mga motorsiklo at pinagbabaril ang dalawang alkalde gamit ang caliber .45 pistol sa Barangay Baliwasan sa Zamboanga City.

Isinugod ang dalawa sa pagamutan kung saan binawian ng buhay si Lajid.

Napatay rin umano ang driver ni Sali.

Agad na tumakas ang mga suspek sa direksyong papunta sa Barangay Baliwasan.

Hinala ng mga kaanak ng dalawang biktima, konektado sa politika ang motibo sa pamamaril, bagamat ‘di nila matukoy kung sino sa dalawang alkalde ang tunay na target ng mga suspek.

Iniimbestigahan na ang pangyayari. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?