130

Dec 18, 2017 @ 13:23

2 mananaya maghahati sa P90-M lotto jackpot

Pihadong bongga ang Pasko at Bagong Taon ng dalawang mananaya mula sa Nueva Ecija at Batangas City matapos kapwa manalo ang kanilang mga numero sa 6/45 Mega Lotto draw noong Biyernes, Disyembre 15 na may jackpot prize na P90.13 milyon.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng dalawang mananaya ang anim na kombinasyon na 06-19-17-44-09-22 na may premyong P90.13 milyon na natakda nilang paghatian.

Tinaya ang winning tickets sa lotto outlets sa San Isidro, Nueva Ecjia at Batangas City.

Nanalo naman ng tig-P29,760 ang 45 pang mananaya matapos makakuha ng lima sa six-digit winning combination.

Binobola ang 6/45 Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?