68
2 magnetic lifter na pinagtaguan umano ng shabu, ininspeksiyon ng DOJ
By

2 magnetic lifter na pinagtaguan umano ng shabu, ininspeksiyon ng DOJ

Matapos ang isinagawang ocular inspection ng Department of Justice (DOJ) panel sa mga nadiskubreng magnetic lifter sa isang warehouse sa GMA Cavite, tinungo naman ng mga piskal ng kagawaran ang Manila International Container Port (MICP) sa lungsod ng Maynila.

Personal na isinagawa ang inspeksyon ng mga piskal ng DOJ na pinangunahan ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat.

Inilabas ng mga forklift mula sa mga container van ang dalawang magnetic lifters na sinasabing pinaglagyan ng mga shabu na nailusot sa Bureau of Customs (BOC) noong Agosto 7, 2018.

Sinasabing nagkakahalaga ng P2.4 billion ang mga iligal na droga na itinago sa mga magnetic lifter na tumitimbang ng 355 kilo.

Nadiskubre ang mga ito matapos ma-detect ng mga K9 ng PDEA sa ikalawang inspeksiyon.

Ayon sa PDEA, galing umano ang shipment sa Malaysia at ipinasok sa bansa pero inaalam pa ang tunay na pinagmulan ng droga.

Walang naging bagong pahayag ang DOJ panel na nagsagawa ng inspeksiyon pero ang prosesong ito ay bahagi ng nagpapatuloy na preliminary inspection ng Justice department.

Ang shipment ay naka-consign sa Vecaba Trading International na hindi naman accredited ng BOC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?