108

Jun 16, 2018 @ 17:23
By

2 magnanakaw todas sa Laguna shootout

Nasawi ang dalawang suspek sa pagnanakaw at pamamaril matapos na manlaban sa mga rumespondeng pulis sa Brgy. San Antonio, Biñan City, Laguna kaninang madaling-araw.

Ayon kay PNP-Calabarzon Spokesperson Supt. Chitadel Gaoiran, alas-3:30 ng madaling-araw nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng tauhan ng Biñan City Police Station at mga suspek.

Bago ito nagsagawa ng pagnanakaw at pamamaril ang mga suspek sa Bingo Tsunami, Brgy. Canlalay, Biñan dahilan para rumesponde ang mga pulis.

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang dalawang baril na ‘di pa batid ang kalibre, mga bala, at motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?