By

2 magkapatid patay sa sunog sa Mindoro

Sharing is caring!

Patay ang magkapatid na bata habang sugatan ang tatlo pa matapos matupok ng apoy ang kanilang bahay sa Sitio StavFevBrgy Villapagasa Bansud Oriental Mindoro kaninang umaga.

Kinilala ang dalawang nasawing menor de edad na sina Robert R. Areglado, 4 anyos at Rose Anne R. Areglado, 3 anyos

Ang mga sugatan ay kinilalang sina Romano Mica Areglado; Cecilia Ramilo Areglado;at Ema Areglado 72 anyos.

Ayon kay Philippine National Police Region 4B Spokesperson Supt Imelda Tolentido alas-8:20 ng umaga kanina nang magsimulang masunog ang bahay ng mga biktima na yari lamang sa light materials.

Umabot pa ng alas-10:00 ng umaga bago idineklarang fire out ng mga bumbero ang sunog.

Nasawi ang dalawang bata dahil sa tinamong malalang sunog sa katawan habanag nanatili pa sa Pinamalayan Community Hospital ang tatlo pa at patuloy na inoobserbahan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang matukoy ang pinagmulan ng sunog. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?