16
views

By

2 mag-aaral patay matapos malunod sa Dagupan

Sharing is caring!

Dalawang grade school pupils ang nasawi matapos malunod sa Pantal River sa Dagupan City noong Hunyo 29.

Wala nang malay sina Lance dela Cruz, 9, at Ramil Decena, 11, nang masagip ng bystanders.

Idineklarang dead on arrival ang mga biktima sa pinagdalhang ospital sa mga ito.

Ayon sa report, nakita umano ang dalawang bata na naglalaro sa malakas na buhos ng ulan dakong ala-1:30 ng hapon malapit sa kanilang bahay sa eastern bank ng Pantal River sa Barangay Pantal.

Ilang minuto lang ang lumipas nang mamataan sila ng mga nakaistambay sa lugar na humihingi ng saklolo matapos malubog sa ilog. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?