79

Sep 11, 2021 @ 8:47
By

2 lugar napako sa Signal No. 4

Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4 sa dalawang lugar sa bansa habang patungo ang bagyong Kiko sa Batanes.

Ayon sa Pagasa, nakataas pa rin ang Signal No. 4 sa Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands.

Signal No. 3 naman sa northwestern at southeastern portions ng Babuyan Islands habang Signal No. 2 sa northern portion ng mainland Cagayan.

Ang mga sumusunod na lugar ang nasa Signal No. 1: Iba pang lugar sa mainland Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, Apayao, northern portion ng Kalinga, northeastern portion ng Abra at northern portion ng Isabela.

Huling namataan ang mata ni “Kiko” sa timog ng Basco, Batanes taglay ang lakas ng hangin na 215 kph at pagbugsong hanggang 265 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?