14

Jan 12, 2021 @ 19:38
By

2 lolang durugista timbog

Timbog ang dalawang magkapatid na lola matapos silang mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon ngayong Martes.

Kinilala ang mga inaresto bilang sina Gloria De Chavez, 61-anyos, at Zenaida De Chavez, 60-anyos.

Ayon sa ulat, nakuhaan ang dalawa ng mga sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700,000.

Ani Police Colonel Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, bagong drug personality ang dalawa.

Hindi na nagpaunlak pa ng panayam ang magkapatid.

Kasalukuyang nahaharap ang dalawa sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?