2
views
crime-scene-

2 lola, todas matapos masagasaan sa Baguio

Sharing is caring!

Nasawi ang dalawang matandang babae matapos silang salpukin ng isang kotse sa Kennon Road, Baguio City ngayong Martes ng umaga.

Ayon sa report, nag-aabang lang ng jeep sa gilid ng kalsada dakong alas-sais ng umaga sina Rosaline Alberto, 61-anyos, at Sioning Pimil-iw, 64, nang bigla silang sagasaan ng rumaragasang kotse.

Masuwerteng hindi nadale ang kasama ni Alberto na 2 anak at 2 apo habang ligtas din ang apat na sakay ng kotse na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.

Posibleng maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries ang driver ng kotse na maaaring nakatulog umano habang nagmamaneho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?