0
views

By

2 lola timbog sa buy-bust sa Maynila

Sharing is caring!

Kalaboso ang dalawang babaeng matanda matapos mahulihan ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa bahagi ng Radium St., San Andres Bukid, Maynila.

Nangyari ang pagdakip sa mga suspek na sina Irma Ruiz Acosta, 41, at Virginia Soliman, 58, pasado alas-8:30 gabi ng Hulyo 12, 2018 matapos magpositibo ang pakikipagtransaksiyon sa kanila ng mga pulis sa pangunguna ni Police Supt. Albert Barot, station commander ng Sta. Ana Police Station.

Matapos makabili ay agad na kinumpiska ng mga awtoridad mula sa dalawa ang pitong piraso ng sachet na naglalaman ng shabu na tinatayang may timbang na 1.101 gramo at nagkakahalaga ng mahigit P7,100.

Dinala na sa MPD-Crime Laboratory ang mga nakumpiskang ebidensiya para isailalim sa qualitative at quantitative examination.

Nakadetine na rin pansamantala sa PS-6 custodial facility ang mga nahuling suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?