200
arrested-arestado
Jul 15, 2019 @ 12:03
By

2 linggo pa lang sa termino ni Isko: 3 Manila most wanted, nadakip

Naposasan ang tatlong most wanted ng Manila, kabilang dito ay dalawang hinihinalang rapist, ayon sa press conference ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ayon sa report, nahuli si Jason Fullantes, ang most wanted ng Ermita Police Station, matapos ang tumagal ng anim na buwang pagtugis dito.

Nahaharap sa kasong rape si Fullantes na noong Enero 2019 pa sinimulang hanapin sa bisa ng arrest warrant.

Nadakip din si Bob Navarro, fourth most wanted naman sa Moriones, dahil din sa kasong rape.

11 buwang nagtago si Navarro bago masawata ng mga awtoridad.

Habang isang Irwin Pelina naman ang nasaktuhan ng mga pulis noong Martes, hinuli dahil sa kasong pagnanakaw with unnecessary violence.

“Tayo naman nirerespeto natin yung kanilang karapatan. They’re considered innocent so far, suspect,” ayon kay Moreno.

“But hiding… ‘yung takbuhan mo ang batas… sila’y binibigyan ng pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang sarili pero para ito’y takbuhan mo, eh hindi tayo papayag. Lalo ka nang madidiin. Ngayon mukha silang…not guilty, so far. But it is not for me to say so, it is the judge. Para yung sistema ng pamahalaan mapatupad ng pantay-pantay,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?