31

Apr 22, 2021 @ 13:17
By

2 lider ng Kamara sumali sa pagtutol sa EO 128

Sumali ang dalawang deputy speaker ng Kamara sa mga mambabatas na nananawagan na ipawalang-bisa ang Executive Order 128 na nagtataas sa minimum access volume at nagbababa sa taripa ng imported na karne ng baboy.

Naniniwala sina Deputy Speakers Bro. Eddie Villanueva (CIBAC party-list) at Bienvenido Abante Jr. (Manila) na hindi makabubuti ang EO 128 sa mga lokal na magbababoy kaya inihain nito ang House Joint Resolution 38.

“The lowering of pork imports tariff in this period of pandemic and when our local hog industry is in ‘critical’ if not dying condition due to African swine fever is not only shocking but at the same time unbelievable! It is surely never the most apt policy to enforce, it is devoid of any serious concern for our local pork producers,” sabi Villanueva.

Hindi naman nagustuhan ni Abante na nagiging ‘default response’ ng Department of Agriculture ang importasyon kapag nagkukulang ang suplay.

“I believe they need to rethink and reconsider this approach. The solution is support, not import––more support the local hog industry so they can recover faster from their losses as a result of ASF,” sabi ni Abanate.

Target ng EO 128 na damihan ang suplay ng baboy sa bansa upang bumaba umano ang presyo sa lokal na pamilihan.

Hindi naman kumbinsido rito si Villanueva na naniniwala na gagamitin lamang ang EO upang kumita ang illan bukod pa sa mawawalan ng P3.6 bilyong kita ang gobyerno dahil sa mas mababang taripa.

Ang dapat umanong gawin ng gobyerno ay tulungan ang mga lokal na magbababoy para dumami ang kanilang alaga.

Julia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?